Mataas na ratings ni PRRD, patunay na gusto siya ng mga tao

Mataas na ratings ni PRRD, patunay na gusto siya ng mga tao

NAKAKUHA ng ‘very good’ satisfaction ratings si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) kahit ilang buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang termino batay sa pinakahuling resulta ng Social Weather Survey (SWS).

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni political analyst at Professor Anna Malindog-Uy na patunay lang ito na marami ang kuntento sa naging performance ng Pangulo.

Punto pa ni Malindog-Uy, hindi nagsisinungaling ang lumalabas na numero sa mga survey.

Nakasaad sa survey na 75% ng adult Filipinos ang satisfied, 9% ang undecided habang 15% ang hindi satisfied sa performance ni Pangulong Duterte.

Mas tumaas din ang gross satisfaction rating ni Duterte ng 8% mula 67% noong September 2021.

Ginawa ng ang nasabing survey simula Disyembre 12 hanggang Disyembre 16 gamit ang face-to-face interviews sa 1,440 adults na may edad 18 pataas.

Dahil dito, sinabi ni Uy na malaking hamon sa susunod na pangulo ang mataas na benchmark na itinakda ni Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI News on Twitter