Mataas na singil ng mga driving school, tututukan ng LTO

Mataas na singil ng mga driving school, tututukan ng LTO

TUTUTUKAN ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang problema ng mataas na singil ng mga driving school.

Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni LTO chief Asec. Jay Art Tugade na buo na ang kaniyang komite para i-review ang accreditation ng driving schools.

Magkakaroon naman ng consultative meeting ang LTO para kunin ang concerns laban sa driving schools at iba pang isyu sa pagkuha ng lisensiya.

Nauna nang inireklamo ang P15,000 hanggang P18,000 na gastos sa pagkuha ng lisensiya at ang pagdaan sa mga driving school bago makakuha nito.

Oras na magkasundo ang lahat ng stakeholders, gagawin na ng LTO na ‘standardized’ ang singil ng mga driving school sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter