Matatag at ligtas na pabahay sa tuwing may sakuna, isinusulong ng OFW Party-list

Matatag at ligtas na pabahay sa tuwing may sakuna, isinusulong ng OFW Party-list

BAGO pa man dumating ang panahon ng tag-ulan, ang OFW Party-list ay naghain na ng House Bill No. 9973, na pinamagatang “An Act Instituting Comprehensive Framework on Resilient Housing and Human Settlements, Appropriating Funds Therefor.”

Ang panukalang batas na inihain ni OFW Party-list Representative Marissa del Mar Magsino ay naglalayong magtatag ng isang komprehensibong balangkas para sa matatag na pabahay at human settlements na maglalatag ng isang malinaw at kongkretong plano sa tuwing ang bansa ay maaapektuhan ng mga sakuna at epekto ng climate change.

Ang framework ay bubuuin ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, civil society organizations, at komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble