Matatag na suplay ng bigas, tiyak na sa unang bahagi ng 2024—DA

Matatag na suplay ng bigas, tiyak na sa unang bahagi ng 2024—DA

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na magiging abot kaya na ang presyo ng bigas sa unang bahagi ng 2024.

Ayon sa DA, magiging matatag na ang suplay ng bigas sa buong bansa sa nasabing panahon dahil magiging masagana ang ani ng palay sa panahon ng tag-ulan at ang nakatakdang pag-angkat ng bigas sa 3rd quarter ngayong taon.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, inaasahan ni ang 77 araw na National Rice Stock Inventory ngayong buwan ng Oktubre.

Habang 94 days naman pagkatapos ng wet season o sa katapusan ng Nobyembre.

Kaya posibleng magkakaroon ng 2.4-M metrikong toneladang bigas ang bansa.

Samantala, tiniyak din ng DA na magkakaroon ng sapat na suplay sa karne ng baboy at itlog ngayong Christmas season.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter