ITINAAS na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert level 4 ang crisis level sa Gaza Strip kasunod sa inanunsyo ng Israel Defense Forces (IDF) na naghahanda sila sa pagpapatupad ng malawakang offensive plans.
Sa Alert level 4 ayon kay DFA Usec. Eduardo de Vega, magiging mandatoryo na ang repatriation ng mga Pilipino.
Nauna nang sinabi ni de Vega na nasa 92 mula sa 137 na mga Pilipino sa Gaza ang nais nang makaalis sa lugar.
Sa katunayan, walong Pilipino na ang inaasahang uuwi sa bansa ngayong araw, Oktubre 16.