PINAGMULTA ng $3,622 dahil sa pagkalason ng 345 katao ang may-ari ng catering services sa Singapore.
Pinagmulta ng Singapore Food Agency (SFA), ang Rasel Catering ng 4,800 Singaporean dollars o 3,622 US dollars dahil sa maraming hygiene lapses.
Kaugnay ito sa insidente ng food poisoning ng nasa 345 katao noong Nobyembre2022.
Batay sa imbestigasyon ng Ministry of Health ng Singapore at SFA, kabilang sa mga lapses ng naturang catering services ay ang maraming ipis, maruming lagayan ng pagkain, at pagkakatuklas ng pathogens sa mga ready-to eat na mga pagkain.
Matatandaan, matapos ang insidente noong 2022 ay sinuspinde ang food business operations ng Rasel Catering simula Nobyembre 18 hanggang Disyembre 29, 2022.
Ibinaba naman ang food hygiene grade ng Rasel Catering sa C mula sa A.