ISA ang SMNI News sa mga media company na nabigyan ng pagkakataon para sa isang World Heritage Tour sa Quanzhou sa Fujian Province, China.
Linggo ng hapon nang dumating ang Philippine Media Delegation sa Quanzhou Jinjiang International Airport matapos ang higit dalawang oras na flight.
Mainit na tinanggap ang grupo ng mga mamamahayag sa isang welcome banquet sa isang 5-star hotel sa lungsod na pinangunahan ng Quanzhou Overseas Friendship Association.
Sa loob ng isang linggo, ating tutuklasin ang napakayaman na kultura ng Quanzhou at bibisitahin ang kasaysayan ng lungsod bilang isa sa pinakamahalagang daungan ng Tsina sa Maritime Silk Road.
Ang Quanzhou ang isa sa pinakamalaki at pinaka-abalang daungan sa mundo noong Song at Yuan Dynasties.
Naging isang mahalagang exchange hub ang Quanzhou para sa iba’t ibang sibilisasyon at relihiyon.
“You will get a better idea of what our ancestors may have contribution to prosperity of Quanzhou that were emporium of the world in Song-Yuan China. How they did it.”
“I think it is a good idea that we learn from historical wisdom and then make our community a better place to live. That’s what we learn from our ancestors,” ayon kay Dr. John Wang, UNESCO Silk Road project, Consulting Expert.
Matatandaan na noong Hulyo 25, 2021, iginawad ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Committee sa Quanzhou bilang isang World Heritage Site.
Inaasahan naman ang nasabing heritage tour ay pasisiglahin ang kooperasyon sa pagitan ng mga media organization ng Pilipinas at Tsina at palakasin ang mutual understanding at pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Naniniwala si Dr. John Wang, Consulting Expert ng UNESCO Silk Road project na ang mga ganitong klaseng cultural exchanges kasabay ng economic cooperation ay magreresulta tungo sa pandaigdigang kapayapaan.
“I think the cultural exchange and economic exchange can foster world peace. And that is the mind set of an entrepreneur. And we can make world a better place, by trade and not by war,” ani Dr. John Wang.