Maynilad, pinagmumulta ng dagdag P4-M—MWSS

Maynilad, pinagmumulta ng dagdag P4-M—MWSS

HALOS P4-M ang dagdag multa na babayaran ng Maynilad sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office.

Dahil ito sa isyu ng discoloration & residual chlorine sa suplay ng tubig sa siyam na barangay sa Imus, Cavite.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ibabawas sa susunod na water bill ng nasa mahigit 3,494 na water service connections ang rebate o balik-bayad na tig-P1,122.37.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na naibalitang pinagmulta ng MWSS ang maynilad.

Nauna na rito ang nasa P2-M dahil sa nakitang total coliform sa supply ng tubig ng 14 na barangay sa Caloocan City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter