Maynilad, planong maglaan ng P2.8-B investment para sa bagong water reservoirs

Maynilad, planong maglaan ng P2.8-B investment para sa bagong water reservoirs

NAIS magtayo ng mga bagong reservoir sa tatlong lungsod ng Metro Manila ang Maynilad Water Services, Inc.

Dahil dito, mag-aallocate ang kompanya ng P2.8-B mula sa P220-B service enhancement program budget upang magtayo ng apat na bagong reservoirs sa Quezon City, Valenzuela, at Muntinlupa.

Ito ay bahagi ng pagpapalakas ng kompanya sa kapasidad ng imbakan ng tubig at mapahusay ang supply para sa mga konsyumer.

Ito rin ay magdaragdag sa target ng Maynilad na 211-M liters na tubig sa storage capacity sa 2026.

Ayon kay Randolph T. Estrellado, Maynilad Chief Operating Officer, ang pagdaragdag ng mga bagong reservoir ay makatutulong sa pagpapanatili ng supply availability kahit magkaroon ng malakas na water withdrawals sa mga mabababang lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble