NAGBIRO si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na dapat gawing monthly ang paayuda ni Speaker Romualdez sa lungsod ng Davao.
“Sa totoo lang, ang gusto ko sa kanilang [Marcos admin at Speaker Romualdez] ayuda-ayuda, gusto ko sanang magkaroon ng ganyan dito sa Davao isang beses sa isang buwan, at P1.5-B kada buwan sana dito.”
“Ngayong September, nandito sila, gusto ko rin na pati sa October, November, December, dahil sobrang dami na ng abala na binibigay ninyo sa mga tao dito,” ayon kay Mayor Sebastian Duterte.