Mayor Isko, aminadong umaasa sa boto ni PRRD

Mayor Isko, aminadong umaasa sa boto ni PRRD

AMINADO si Aksyon Demokratiko presidential bet Mayor Isko Moreno na umaasa siya sa boto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pahayag sa mga residente ng Brgy. San Isidro, Rodriguez Rizal, umaasa itong mapupusuan ng mga opisyales ng pamahalaan na wala pang napipiling pangulo.

Kahit mayor o senador man ito ay malaking tulong sa kanyang laban.

Pag-amin ni Mayor Isko na mabigat ang kanyang mga kalaban at bawat boto ay mahalaga para sa kanya.

Tinawanan naman ni Moreno ang isyu hinggil sa sinasabing siya ay Duterte lite o Iskoterte aniya lumang isyu na ito at dapat nang hayaan.

Follow SMNI NEWS on Twitter