PINASINUNGALINGAN ng mayora ng Pola, Oriental Mindoro na hinarang nila ang ginawang pangangampanya ng Makabayan sa kanilang lugar.
Aniya, ito ay walang katotohanan dahil ang tunay na dahilan ay may nagaganap na engkuwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA), taliwas sa ipinapakalat ng Makabayan Party-list na hinarang at hindi sila pinapasok.
“Wala pong hinarang, wala pong ganun. In fact, meron po kasing encounter five or three weeks ago dito sa ating bayan kaya naghigpit tayo sa pagpasok at paglabas ng mga tao. Hindi po natin hinaharang,” ayon kay Mayor Jennifer Cruz – Pola, Oriental Mindoro.
Pero binigyang-diin ni Cruz na mas maganda kung magpaalam pa rin sa kanila kung sakali man na magsasagawa ng kampanya sa lugar bilang tanda na rin ng respeto.
“Wala pong problema, hindi naman po obliged. Ang sa atin lang po naman, alam n’yo, pumasok, parang ikaw, bahay mo, may pumasok bigla sa bahay mo at kumuha ng ulam. Malamang, sasama ang loob ninyo, bakit kinuha ‘yan, eh alam naman natin magkaibigan tayo, bigla kang pumasok na walang nagpaalam, same thing with mayor po ako as punong bayan at chief executive, ah, masama po para sa akin na papasok ka bigla sa bayan ko na hindi ko alam. Eh gusto ko pong ganun,” ani Mayor Jennifer Cruz – Pola, Oriental Mindoro.
Follow SMNI News on Rumble