Mayor sa Calamba, top 3 sa Top Performing City Mayors sa buong Pilipinas

Mayor sa Calamba, top 3 sa Top Performing City Mayors sa buong Pilipinas

KABILANG si Mayor Roselle ‘’Ross’’ Rizal ng Calamba, Laguna na kinilala bilang top 3 ng RP-Mission and Development Foundation Inc.

Ito ay dahil sa kahanga-hanga nitong pamamalakad sa nasabing lungsod.

Nakuha ni Mayor Rizal ang iskor na 89.83% na naglagay sa kaniya upang makapasok sa Top Performer City Mayors ng bansa.

Kasama niya sa top 3 sina Mayor Ahong Chan na may 90.78% at Inday Oaminal na may iskor na 90.74%.

Samantala, top no. 1 naman sina QC Mayor Joy Belmonte na may 94.08%, Malabon Mayor Jeannie Sandoval na may 93.16%, at Dumaguete Mayor Ipe Remollo na may 93.05% kasama sina Candon Mayor Eric Singson na may iskor na 93.31%, at Iloilo Mayor Jerry Treñas na may 93.07%.

Nasa top 2 naman sina Baguio Mayor Benjamin Magalong na may 92.53%, Maasin Nikko Mercado na may 91.72%, Baybay Mayor Jose Carlos Cari na may 91.51%.

Isinagawa ang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. nitong Setyembre 20 hanggang 30 mula sa 10,000 respondents.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble