2 suspek sa pagsabog sa Marawi City, pinangalanan na

2 suspek sa pagsabog sa Marawi City, pinangalanan na

PINANGALANAN na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang suspek sa pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong weekend.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na ang dalawang suspek ay sina Kadapi Mimbesa, alyas Engineer; at Arsani Membesa, alyas Khatab.

Ayon kay Fajardo, ang dalawang suspek ay miyembro ng Daulah Islamiyah – Maute Group at nasangkot na sa ilang insidente ng pambobomba sa Mindanao.

Sa inisyal na imbestigasyon, natukoy na si Kadapi ang may bitbit ng sling bag na hinihinalang pinaglagyan ng bomba na ginamit sa insidente.

Siya rin ang tumawag upang ma-trigger ang bomba na naging sanhi ng kamatayan ng 4 indibidwal at ikinasugat ng 45 indibidwal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter