Mayorya ng mga Pilipino, pabor sa pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa –  PUBLiCUS Survey

Mayorya ng mga Pilipino, pabor sa pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa –  PUBLiCUS Survey

PABOR ang mayorya ng mga Pilipino sa planong pagpatatayo ng nuclear power plant sa Pilipinas batay sa inilabas na survey ng PUBLiCUS Asia Inc.

Umaasa ang mayorya sa mga Pilipino na sa ilalim ng Marcos administration ay magkakaroon na ng sariling power plant ang bansa.

Mababang presyo ng kuryente ang karamihan sa dahilan kung bakit nais ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling nuclear power plant sa bansa.

Batay sa inilabas na latest survey ng  PUBLiCUS Asia Inc. mayorya o 59% sa mga Pilipino ang pabor sa pagpatatayo ng nuclear power plant sa Pilipinas.

Pero iilan sa ating mga kababayan ay hindi sang-ayon dito dahil anila sa masamang epekto na posibleng maidudulot ng nuclear power.

Kung saan 22 porsiyento ng respondents ng  PUBLiCUS Survey ay hindi pabor sa pagkakaroon ng nuclear plant.

Matatandaan na nitong Pebrero, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 164 na nag-aatas na pag-aralan ang pagsasama ng nuclear power sa ginagamit na enerhiya sa bansa.

Pinuri naman ni President Bongbong Marcos ang naturang EO sa panahon ng kaniyang kampanya at nagpahayag ng malinaw na layunin na susundin niya ang National Nuclear Energy Policy.

 

Follow SMNI News on Twitter