MB-SBG multi-purpose building sa Quezon City, pinasinayaan

MB-SBG multi-purpose building sa Quezon City, pinasinayaan

PINANGUNAHAN ni Senator Bong Go ang inagurasyon ng MB-SBG multi-purpose building sa dalawang barangay sa lungsod ng Quezon.

Matapos nito, nagsagawa ng pamimigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya sa nasabing lungsod.

Ang MB-SBG (“Mikey Belmonte–Sen. Bong Go”) multi-purpose building ay proyektong inisyatibo ni Konsehal Mikey Belmonte sa tulong ni Sen. Bong Go na siyang nagpondo dito para sa mga mamamayang nakatira sa tagong parte ng barangay.

Sa ngayon, 10 multi-purpose building na ang pinasinayaan kabilang na ang sa Brgy. Commonwealth at Payatas, Quezon City.

Pamimigay ng tulong sa mga pamilyang mahihirap, pinangunahan ni Sen. Bong Go

Matapos ang inagurasyon, nagkaroon ng distribution of assistance sa halos isang libong mga mahihirap na pamilya ng lungsod.

Na isang malaking tulong sa mga benepisyaryo gaya na lamang ni Ginang Emma Lojera.

 Mga pulis na sangkot sa ilegal na droga dapat maparusahan—Sen. Go

Sa usaping ilegal na droga sa hanay ng mga kapulisan, mariing sinang-ayunan ni Sen. Bong Go ang hakbang sa pagpaparusa sa mga opisyal na sangkot sa paggamit nito.

Nanawagan din ang butihing senador na ipasa sa cabinet secretary level ang pagtatatag ng department of disaster resilience na ngayon ay nasa committee level na ng national defense sa Senado.

Aniya ito ang magiging hakbang sa pagkaroroon ng koordinasyon mula sa LGU at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tungo sa disaster resiliency.

Bilang chair ng committee on health, patuloy rin ang pagpapaalala ni Go sa mga mamamayan hinggil sa kanilang mga pangangailangang medikal dahil nariyan aniya ang Malasakit Center na handang tumulong anumang oras.

Get into sports, iwasan ang droga—Sen. Bong Go

Bilang chairman ng Committee on Sports, hinimok din ng butihing senador ang mga kabataan na makihalok sa isports upang maiwasang masangkot sa ilegal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter