“Me” album ni Jisoo ng Blackpink, nakakuha ng 1-B plays sa YouTube Music

“Me” album ni Jisoo ng Blackpink, nakakuha ng 1-B plays sa YouTube Music

ANG album na “Me” ni Jisoo ng Blackpink ang kauna-unahan para sa isang Korean female artist na makakuha ng mahigit 1 billion plays sa YouTube Music.

Ito rin ang most-played album ng isang Korean female artist matapos nalampasan nito ang record ni IU para sa kaniyang “Lilac” na mayroong 890 million plays sa kasalukuyan.

Ang “Me” na album ni Jisoo ay may dalawang tracks na “Flower” at “All Eyes on Me”.

Ito pa lang ang natatanging album ng artist sa ilalim ng kaniyang mother agency na YG Entertainment bago niya itinayo ang kaniyang sariling record label na Blissoo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble