ISINUGOD at ginamot sa isang ospital sa The Hague si Atty. Salvador Medialdea, ayon sa Philippine Embassy sa Netherlands.
Sa Facebook post ng embahada, sinabi nito na nagtungo si Medialdea sa detention center ng International Criminal Court (ICC) umaga nitong Martes, March 18, 2025, upang bisitahin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit nakaramdam ito ng panghihina habang nagrerehistro upang makapasok sa pasilidad.
Nang nasa ospital na si Medialdea ay sinamahan siya ng isang malapit na kamag-anak.