APRUBADO na sa House Committee on Health ang panukalang batas na bubuo ng Medical Reserve Corps ng bansa.
Layon ng panukala na paigtingin ang back-up forces ng pamahalaan na siyang first responders tuwing may kalamidad sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, aatasan ang Department of Health (DOH) na bumuo ng Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART).
May atas din ang DOH na buuin ang polisiya sa pagtatayo ng HEART at kung paano ito maco-convene sa panahon ng emergency.
Isa naman ang panukala sa mga prayoridad ng Marcos administration na maisabatas.