HINDI huhulihin ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng menor de edad na makikitang naninigarilyo o gumagamit ng vape sa mga non-smoking areas.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Col. Red Maranan alinsunod mandato ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na mas higpitan ang pagpatutupad ng Republic Act 11900 (The Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act).
Bagamat ‘di huhulihin, kukumpiskahin pa rin ng mga kapulisan ang mga vape ng mga menor de edad na mahuhuli.
Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan inaasahan ng mga kapulisan na mabawasan ang nasabing kaso.