Meta, pinagmumulta ng halagang $1.3-B sa Europa

Meta, pinagmumulta ng halagang $1.3-B sa Europa

PINATAWAN ng multa ng Europa ang Meta ng halagang 1.2-B euros o 1.3-B dollars nitong Lunes, May 22, 2023.

Kasabay ng multa ay ang utos na ihinto na ng Meta ang paglilipat ng datos ng Facebook users mula Europa papuntang Estados Unidos.

Ayon sa Data Protection Commission ng Ireland, paglabag ito sa General Data Protection Regulation na napagkasunduan ng Europa at Estados Unidos noong taong 2020.

Nauna nang sinabi ng European Court of Justice na sa pamamagitan ng Facebook ay maaaring ma-monitor ng mga Amerikano ang aktibidad ng mga European at labag anila ito sa karapatan ng users.

Sa panig ng Meta, ‘unfair’ ito dahil sila lang ay may ganitong uri na regulasyon sa lahat na data-sharing platforms.

Samantala, naibahagi ng Meta na 10% sa kanilang pandaigdigang revenue ay mula sa Facebook ads na kanilang naiparating sa European countries.

Kung magkaroon man ng hindi pagkakaintindihan o paghihigpit ng regulasyon, posibleng maapektuhan na rin ang kanilang negosyo ayon sa Meta.

Follow SMNI NEWS in Twitter