Metro Manila mayors, pinayagan na ang mall hours hanggang 11:00 ng gabi

Metro Manila mayors, pinayagan na ang mall hours hanggang 11:00 ng gabi

PINAYAGAN na ng mga Metro Manila Mayors ang mall hours hanggang 11:00 ng gabi para sa operation ng mga mall ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ibinahagi ito ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos sa pre-recorded Talk to the People Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang pagpayag ng mga Metro Manila Mayors sa mall hours.

Nilinaw ni Abalos na ang oras ng pagbubukas at pagsasarado na nabanggit ay tuwing weekdays lang.

Alas 10:00 naman ng umaga maaaring makapagbukas ang malls tuwing weekends at holidays.

Ipapatupad naman ito simula November 15 hanggang January 03, 2022.

SMNI NEWS