INIHAYAG ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na mastery of language ang nagpapahirap kay Senator Manny Pacquaio kahit may mataas itong IQ.
Nadala lang umano si presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao sa kanyang mga adviser na awayin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng SMNI kay Senator Dela Rosa, binigyang-diin nito na totoo ang kanyang assessment sa kapwa senador.
Magugunitang kamakailan sa isang interview ay sinabi ni Dela Rosa na may “very high IQ” si Pacquiao.
Ang problema lang ani Dela Rosa, nahihirapan si Pacquiao ipalabas ang kanyang gustong sabihin.
“Kahit inaaway niya si Pangulong Duterte alam ko na hindi talaga ‘yun nasa puso niya na kalabanin si President Duterte baka nadala lang siya sa mga advice ng kanyang mga advicer na sabihing ‘dito ka makakuha ng malaking atensyon kapag tirahin mo ang Pangulo.’ Baka ganun kasi from the very start talagang pareho naman sila ng vision ng ating Pangulo pero lately lang nagbago. So, kahit na ganun pa man mayroong sour ang relationship nila ni Pangulong Duterte, still I respect him as a friend and totoo po honest po ang aking assessment sa kanya. Kuwan po siya na tao mataas ang IQ. In my encounters with him alam ko malalim ‘yung kanyang pag-iisip. ‘Yun nga lang siguro nahirapan siya sa expression dahil wala siyang mastery of the language English o Tagalog,” saad ng senador.
Dela Rosa sa death penalty
Samantala, magiging consistent umano si Dela Rosa sa pagsusulong sa death penalty.
Subalit hanggang sa drug lords lang din ang nais niyang maparusahan dito.
Muli namang iginiit ni Dela Rosa na nakahanda siyang aatras kung tatakbo sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.