DUMATING na sa Pilipinas ang mga abo ng dalawang Pilipinong binitay sa China dahil sa drug trafficking.
Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega at sa katunayan ay nai-turnover na ito sa kani-kanilang mga pamilya.
Nobyembe 24, 2023 nangyari ang execution ng dalawa ayon sa Philippine Consulate General sa Guangzhou, China.
Naaresto ang dalawa noong 2013 matapos nahuling may dalang 11 kilos ng shabu na nakatago sa isang DVD player.
Nahatulan naman silang guilty noong taong 2016.
Samantala, sa kasalukuyan ay mayroon pang dalawang Pilipino ang nasa death row sa China subalit sinabi ng DFA na maaari pang maiapela ang kanilang mga kaso.
Sa datos, nasa 92 Pilipino ang may death penalty cases sa China.