Mga aplikasyon na naproseso ng COMELEC sa voter registration, mahigit 300K

Mga aplikasyon na naproseso ng COMELEC sa voter registration, mahigit 300K

UMABOT na sa 378, 690 ang kabuoang aplikasyon na naproseso ng Commission on Elections (COMELEC) sa isinasagawa nitong voter registration para sa Brgy at SK Elections na gagawin sa Oktubre.

Matatandaan na Disyembre 12 nang magresume ang COMELEC sa pagtanggap ng aplikasyon at Disyembre 17 naman ng buksan ang pilot test para sa ‘Register Anywhere’  program ng Komisyon.

Sa datos, ang NCR ang may pinakamalaking bilang ng applicants o registrants na nasa 66,002 sumunod ang Region 7 na may 26, 691.

Tuluy-tuloy ang panawagan ng COMELEC sa publiko na magparehistro na at huwag nang hintayin ang deadline sa katapusan ng Enero para maiwasan ang mahabang pila sa mga tanggapan ng COMELEC.

Follow SMNI News on Twitter