TANGGAL na si Alex Eala sa una nitong professional foray sa grand slam sa qualifying opening round ng Australian Open matapos itong talunin ni dating top 30 ace Misaki Doi ng Japan.
Tinalo si Women’s Tennis Association World No. 214 na si Eala ng 31 taong gulang na World No. 308 na si Doi sa loob ng 2 oras at 37 minutes sa Court 8 ng Melbourne Park.
Si Eala na singles champion noong 2022 US Open Juniors, 2022 W25 Chiang Rai, at 2021 W15 Manacor ay kinailangang manalo ng 3 qualifying matches upang maka-abante sa AO main draw.
Ang AO Qualifiers ang ikalawang event ni Eala ng taon kasunod ng W60 Canberra kung saan natanggal ito sa ikalawang round ng qualifying.
