Mga awtoridad sa Isabela, wala pa ring matagpuan na bakas ng nawawalang Cessna 206

Mga awtoridad sa Isabela, wala pa ring matagpuan na bakas ng nawawalang Cessna 206

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nahahanap ng mga awtoridad ang nawawalang Cessna 206 aircraft, 16 araw na ang nakalilipas.

Sa katunayan, muli pang nagdagdag ng 45 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) para tumulong mapabilis ang paghahanap sa nawawalang eroplano lulan ang 6 na pasahero.

Agad na tumungo ang mga ito sa Maconacon Port, Isabela.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Isabela Incident Management Team sa MDRRMO Divilacan sa dagdag na impormasyon kaugnay sa pagkawala ng Cessna 206 noon pang January 24, 2023.

Bukod sa PNP-SAF, nasa lugar na rin ng Divilacan ang grupo ng Philippine Coast Guard, Philippine Army, at local rescue teams para sa kanilang nagpapatuloy na search and rescue operations sa lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter