Mga barko ng PH Navy sa Subic, ininspeksiyon ng AFP Chief

Mga barko ng PH Navy sa Subic, ininspeksiyon ng AFP Chief

ININSPEKSIYON ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Andres Centino ang tatlo sa limang barko ng Philippine Navy na nakadaong sa Subic, Zambales.

Kabilang dito ang BRP Antonio Luna (FF-151), BRP Conrado Yap (PS-39), at BRP Ramon Alcaraz (PS-16).

Nagkaroon ng ‘talk to the troops’ si Centino sa mga crew ng tatlong barko, gayundin sa mga crew ng BRP Andres Bonifacio (PS-17) at BRP Davao del Sur (LD602).

Binigyang-diin ng AFP chief ang pagpauunlad sa kakayahan ng naval assets habang itinutuon ang kanilang pansin mula sa internal security patungong territorial defense operations.

Pinuri din nito ang propesyonalismo at dedikasyon ng kanilang mga tropa sa pagsasagawa ng maritime patrols upang maprotektahan ang mga mamamayan at ang bansa laban sa mga kalaban.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter