Mga batang Tribung Dumagat, nakatanggap ng regalo mula kay Pastor Apollo

Mga batang Tribung Dumagat, nakatanggap ng regalo mula kay Pastor Apollo

NAKATANGGAP ng regalo mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy at pa-birthday treat ang mga batang Tribung Dumagat sa Barangay Bugnan, Gabaldon, Nueva Ecija.

Bilang pagdiriwang ng kaarawan ni Pastor Apollo ay naihatid sa mga batang Tribung Dumagat ang regalong hatid ng butihing Pastor.

Isa sa mga pangako ni Pastor Apollo na sa oras na siya’y pagpalain ay ibabahagi niya ang kanyang kaarawan sa mga bata.

Kaya ngayon ay nakarating ito sa Gabaldon, Nueva Ecija upang ipagdiwang ang kaarawan ng mga bata sa lugar.

Sa naging panayam ng SMNI News kay Rose Ann Cortez, isa sa mga guro sa Sitio Pindangan sa kabundukan ng Gabaldon, ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagiging guro nito sa mga Dumagat.

‘’Ang pinagkaiba kasi ng mga bata dito sa baba tsaka sa taas, sa taas kasi yung mga batang Dumagat, mababaw lang talaga kaligayahan nila. Yung bigyan mo lang sila ng isang kendi, yung tagi-tagi-isang kendi, talagang yung tuwa nila eh, nandoon,’’ ayon kay Rose Ann Cortez, guro sa Sitio Pindangan.

36 na pamilya ang naninirahan sa Sitio Pindangan, Brgy. Bugnan kung saan pagtatanim ang kanilang pangunahing hanapbuhay.

Isa sa mga problemang kinakaharap ng Tribung Dumagat ngayon ay ang kawalan ng maayos na kalsada upang mas mapadali ang pagbaba ng kanilang mga aning gulay.

Ani Sir Ryan Dave Balueta, isa sa mga guro ng mga Dumagat sa Sitio Pindangan na isa ang kawalan ng kalsada sa nagpapahirap upang marating ang dating paaralan ng mga Dumagat.

‘’Yung travel time po papunta sa eskuwelahan, inaabot po kami ng one and a half hour. Isang oras po kaming sumasakay sa trycycle. Malapit na nga po yung school ngayon, 30 minutes nalang nilalakad. Pero nung nakaraan po, nung hindi pa nalilipat yung school, half day po yung nilalakad papunta po mismo sa Sitio Pindangan,’’ saad ni Balueta.

Kaya laking tuwa ng mga batang Dumagat na mayroong bumisita sa kanila at namahagi ng mga regalo.

Sa pamamagitan ng DWAY Sonshine Radio Cabanatuan City, naihatid ang Caravan of Love and Goodness sa Brgy. Bugnan.

Kasabay rin ng selebrasyon ay ang Duterte Legacy Caravan na namahagi ng mga supply at libreng serbisyo para sa mga Tribung Dumagat.

Karamihan sa mga katutubong Dumagat ay ngayon pa lamang nakatikim ng pagkain mula sa Jolibee, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na may lumapit sa kanila upang silay maabot.

‘’Kasi sa totoo lang po ngayon lang po – marami po sa kanila ngayon lang po naranasan yung ating ginawa,’’ ayon kay PMAJ Aniceto Caraang Jr.

Sabi ng iba, na sana talagang marami pang mga katulad ng mga ganitong activities na dumating.

Dahil sa ngayon na fe-feel nila na sila ay kabilang din sa lipunan, na madalas akala nila na neneglect lang sila ng gobyerno, walang ginagawa. Pero sa mga ganitong pamamaraan naipapakita natin na sila’y kasama sa ating lipunan.

‘’Thank you Pastor maraming salamat happy happy birthday po, happy birthday,’’ ayon kay Anabel.

‘’Basta ako po ay bumabati ng isang happy happy birthday po kay Pastor at sana po ay marami pang birthday ang dumating sa kanya para sa mga susunod na pagkakataon kami po ay muli makadaupang palad po ninyo,’’ ayon naman kay Darwin Valentin.

‘’Maraming maraming  salamat po sa event na nangyari ngayon, sana po yung partnership natin eh hindi lang natapos sa ngayon no, dahil din po kay Pastor po  maraming salamat po happy birthday po sa inyo,’’ dagdag ni PMAJ Caraang.


Follow SMNI NEWS in Twitter