Mga bilanggong akusado sa heinous crimes, kwalipikado mabigyan ng GCTA

Mga bilanggong akusado sa heinous crimes, kwalipikado mabigyan ng GCTA

IGINIIT ng Korte Suprema na ang mga bilanggong nahaharap o akusado sa heinous crimes ay may karapatan pa rin na magawaran ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Nakasaad sa Supreme Court En Banc decision na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh na umabuso sa kapangyarihan ang Department of Justice sa inilabas nitong 2019 Implementing Rules and Regulations (IRR).

Sa naturang IRR ay hindi isinali ang mga bilanggong convicted sa heinous crimes kaya nawalan sila ng karapatan sa Republic Act No. 10592, o New Good Conduct Time Allowance Law.

Iginiit sa Supreme Court decision ang probisyon sa 2019 IRR na inamyendahan na sa R.A. No. 10592 ay nagbibigay-linaw na sinumang convicted na nakabilanggo sa alinmang penal institution, rehabilitation, o detention center o kahit saang local jail ay kwalipikado at maaaring mabigyan ng benepisyo na nakasaad sa Republic Act 10592.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble