Calorie Labelling Policy, ipatutupad sa QC

Calorie Labelling Policy, ipatutupad sa QC

IPATUTUPAD na sa Quezon City ang Calorie Labelling Policy matapos itong pirmahan ni Mayor Joy Belmonte.

Layon nitong gawing mas healthy-living at makaiwas sa mga non-communicable diseases ang QCitizens.

Ayon kay Belmonte, binubuo na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng ordinansa at matapos itong maaprubahan, may 1-year grace period pa bago ito tuluyang ipatupad sa Quezon City.

Magbibigay ito ng mandato sa mga restaurant at iba pang food businesses sa lungsod na ilagay ang calorie count ng kanilang mga ibinibentang pagkain.

Nilinaw rin ng alkalde na hindi sakop ng polisiya ang mga maliliit na negosyante, ambulant vendors, at mga karinderya sa lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble