Mga bisita sa kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pinuri ang kaakit-akit na venue

Mga bisita sa kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pinuri ang kaakit-akit na venue

PINURI ng mga bisita ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang venue kung saan isinagawa ang birthday celebration ng butihing Pastor sa lungsod ng Davao.

Nagagandahang mga bulaklak gaya ng orchids, roses, bougainvillea, tulips, gumamela, at iba’t iba pang mga disenyo ang naging tampok sa venue.

Agaw tingin din sa naturang venue ang mga disenyo ng mga chandelier.

Kaya naman ang mga bisita ay hindi maikakaila sa kanila ang humanga.

“May gosh…wala breath taking, fabulous, parang daig na nasa hotel sa totoo lang po,” ayon kay Rep. Marissa del Mar Magsino, OFW Party-list.

“Talaga nga naman majestic, talagang kapuri- puri,” ayon kay Atty. Larry Gadon.

“The venue is really elegant, it is elegant yet under…” ayon naman kay Atty. Gilbert Teodoro former Secretary of National Defense of Philippines.

Para naman kay Million Lumbay ng Pachadas Event at lumikha ng disenyo sa venue ng gabi ng kaganapan, ang konsepto ay tinawag na indoor garden.

Aniya nalikha ang mala-hardin na lugar alinsunod sa pagiging mapagmahal ni Pastor Apollo sa kapaligiran gaya ng mga preskong bulaklak at halaman.

Paliwanag niya, pareho sila ng butihing Pastor na mahilig sa mga hardin o bulaklak.

 “Parang ang nangyari kasi since mahilig si Pastor ng garden…kasi fresh din ang ginamit natin,” saad ni Million Jesus Lumbay, may-ari ng Pachada’s Event.

Follow SMNI NEWS in Twitter