Mga burol ng Sitio Kalingatnan, Brgy. Poblacion, Albuera sa Leyte, nakalbo dahil sa pag-uuling

Mga burol ng Sitio Kalingatnan, Brgy. Poblacion, Albuera sa Leyte, nakalbo dahil sa pag-uuling

MATINDING pinsala ang iniwan ng malawakang pagputol ng puno para sa paggawa ng uling sa Sitio Kalingatnan, Poblacion, Albuera, Leyte.

Hindi lang nasira ang biodiversity sa lugar, nagresulta rin ito sa pagguho ng lupa at pagbaha na labis na nakaapekto sa mga residente.

Bukod pa rito, labis na naapektuhan din ang kabuhayan ng komunidad, lalo na ang sektor ng agrikultura, na siyang pangunahing pinagkukunan nila ng ikinabubuhay.

Kaya naman, laking pasasalamat ng mga residente sa lugar na maging benepisyaryo sila ng nationwide tree planting activity sa ilalim ng inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pamamagitan ng Sonshine Philippines Movement.

“Malaking tulong po ito sa amin, ng dahil pangpang po ang nasa ibabaw. Mabuti at mataniman dito ng punongkahoy para hindi magka-landslide, malaking tulong ito sa amin.”

“Dito na ang ilog sa amin, lumilipat kami ‘pag may ulan—hanggang baywang ang tubig dito sa amin, malaking tulong ito sa amin. agpapasalamat po kami sa kanya (Pastor Apollo C. Quiboloy), dahil nagmalasakit siya sa amin dito sa bukid para hindi maapektuhan ng landslide,” ayon sa isang residente.

Deforested land sa Albuera, Leyte, benepisyaryo ng tree planting initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng barangay at SPM volunteers, daan-daang narra seedlings ang naitanim sa lugar.

Ang narra ang napiling itanim sa lugar dahil sa tibay ng ugat nito na epektibong pumipigil sa soil erosion, pati na rin ang kahalagahan nito sa pagpapanumbalik ng sigla ng kagubatan.

“Magandang umaga po, Pastor Apollo C. Quiboloy! At sa nagmamahal sa SPM, nandito kami ngayon sumusuporta sa “One Tree, One Nation” tree planting activity, dahil sa napakalaking tulong ito, para sa lugar na ito,” wika ni Brgy. Capt. Francisco Manatad, Jr., Brgy. San Pedro, Albuera, Leyte.

“Ngayon at mayroon na tayong bagong mga itatanim, naway makatulong ito sa mga kabataan sa darating na henerasyon at sila na rin ang mag-aalaga nito. Umaasa ako na gaganda, at maibabalik ang sigla ng ating kagubatan.”

“At sana, sa susunod, may mga darating pa dito [na tree planting activity]. Kung ako pa ang uupong kapitan, handa akong sumuporta, susuportahan natin ito, napakahalaga nito, madami tayong mapapala sa kalikasan,” wika ni Brgy. Capt. Francisco Manatad, Jr., Brgy. San Pedro, Albuera, Leyte.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga gurong lumahok sa naturang aktibidad.

“Once in a lifetime experience po sa aming ang tree planting ngayon— ngayon pa lang po kami nakasama sa ganito— naka participate. Malaki po ang aming pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy na nag-conduct sya ng ganitong activity dahil ngayon pa talaga namin nalaman na taon-taon pala itong ginaganap na activity. Kaya nagpapasalamat po talaga kami na nakadalo kami at nakiisa sa event ngayon,” ayon kay Rachel Cabullo, School President, Private Tutorial of Francisco Emmanuel.

Ang ‘One Tree, One Nation’ initiative na ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay tiyak na mag-iiwan ng pangmatagalang benepisyo—isang pamanang mararamdaman ng mga susunod na henerasyon.

Simula pa noong 2005, aktibo nang isinusulong ng Butihing Pastor ang tree planting initiatives sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Isang patunay ng tagumpay nito ay ang Glory Mountain sa paanan ng Mt. Apo sa Brgy. Tamayong, Davao City, kung saan libu-libong pine trees na ang naitanim, na ngayon ay isa nang simbolo ng muling pagbangon ng kalikasan.

Habang tumitindig ang mga batang puno ng narra sa dating tigang na burol ng lugar na ito, ang ‘One Tree, One Nation’ initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay nagiging simbolo ng pag-asa para sa mga komunidad na naapektuhan ng pagkasira ng kalikasan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at determinasyon, ang hakbang na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng pagpapabuti sa kalikasan, nagbibigay rin ito ng daan sa isang mas masagana at luntiang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble