Mga bus company sa PITX, may paalala sa mga pasahero para iwas off-load

Mga bus company sa PITX, may paalala sa mga pasahero para iwas off-load

MAY paalala sa mga pasahero para iwas off-load ang mga bus company sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Para makasiguro na maging maayos ang pagbibiyahe ngayong peak season, may dapat alalahanin ang mga biyahero mula sa mga dadalhing bagahe hanggang sa kanilang mga alagang hayop.

Lesson learned na para sa magkakapatid na sina Victoria at Mary Grace matapos silang hindi nakauwi sa kanilang probinsiya nakaraang Semana Santa sa sobrang dami ng kanilang bagahe.

Kaya ngayong uuwi sila sa kanilang probinsiya, kahit pasalubong ay wala na silang dala para sa kanilang pamilya.

Kaya panawagan ng ilang bus company sa PITX na limitahan ang dalang bagahe upang makasiguro na makakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Nagpaalala rin ang PITX sa mga uuwi ng probinsiya na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na bagay.

Bukod sa mga patalim, ipinagbabawal din ang pagdadala ng wire, flammable materials tulad na lamang ng gasul.

Payo ng mga bus company sa mga pasahero, dumating isang oras bago ang biyahe upang hindi mapag-iwanan sa biyahe.

Pero ang tanong naman ng mga pet lover, paano naman kung may dalang alagang hayop?

 

Follow SMNI NEWS in Twitter