HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga estudyante ng Sultan Kudarat State University (SKSU) sa Tacurong City na maging kabahagi ng pagbuo ng matatag na bansa.
Paliwanag ni Vice President Duterte sa kaniyang mensahe para sa kanilang Student Leaders’ Assembly na ito ay upang umunlad pa ang mga kominidad at malabanan ang terorismo.
Ipinaabot din ng pangalawang pangulo na malaki ang kaniyang tiwala sa mga kabataan na maging katuwang sa pagpapalakas ng edukasyon.
Bilang Kalihim ng Department of Education aniya, pinanghahawakan ni Vice President Duterte ang pangakong pagsusumikapan niya na ma-institutionalize ang mga reporma sa basic education curriculum ng bansa.