Mga estudyante sa Quezon City, walang pasok sa SONA ni PBBM sa Lunes

Mga estudyante sa Quezon City, walang pasok sa SONA ni PBBM sa Lunes

WALANG pasok ang mga estudyante sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 24, sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ito ang inanunsiyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Nakasaad sa Executive Order No. 23 na inilabas ni Belmonte, walang pasok ang mga estudyante sa lahat ng lebel sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Ito’y dahil posibleng maaapektuhan ang mga estudyante sa mga road closures na ipatutupad sa araw ng SONA.

Partikular na maaapektuhan ang mga estudyanteng may summer classes at ang mga paaralan na nagsimula na sa kanilang School Year 2023-2024 ngayong linggo o sa mga magsisimula pa lamang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter