Mga guro, mas mapapabuti pa ang serbisyo dahil sa mas mataas na teaching supplies allowance—senador

Mga guro, mas mapapabuti pa ang serbisyo dahil sa mas mataas na teaching supplies allowance—senador

NAKATUTULONG ang pagpapataas ng teaching supplies allowance para mas mapabuti pa ang serbisyo ng mga guro.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan nang bumili ng suplay ang mga guro mula sa sarili nitong mga pera.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Sonny Angara ngayong nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hunyo 3, 2024 ang panukala hinggil dito.

Sa paglagda ni Pangulong Marcos, nasa P10-K na ang yearly teaching supplies allowance ng public school teachers.

Bago pinirmahan ng Pangulo ang bagong batas, ilang dekada ring nasa P700-P3,500 lang ang allowance.

Simula taong 2021 ay itinaas din ito hanggang P5-K.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter