Mga iskolar ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nagsalita na rin

Mga iskolar ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nagsalita na rin

PINASINUNGALINGAN ng mga iskolar ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang mga paratang ng mga pekeng testigo ni Sen. Risa Hontiveros.

Ayon sa mga ito, sila ang patunay na walang pang-aabuso at puro pagmamahal sa kabataan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng edukasyon ang ipinagkakaloob ni pastor apollo.

Libreng edukasyon mula Nursery, College hanggang Masteral’s Degree.

Sa totoo lang, isa lang ang dekalidad na edukasyon sa mga ipinagkakaloob ni Pastor Apollo sa mga kabataang miyembro ng KOJC.

Patunay rito ang napakarami nang mga propesyunal na nagsipagtapos sa iba’t ibang kurso.

Taliwas ito sa mga patutsada ng mga pekeng testigo ni Sen. Hontiveros laban kay Pastor Apollo.

Sabi kasi ng bogus witnesses ng senadora, hindi man lang umano sila binibigyan ng pagkakataong makapag-aral ‘nung sila’y bahagi pa ng kongregasyon.

Mismong ang mga iskolar na ni Pastor Apollo ang nagsasabing sinungaling ang mga testigong iniharap ni Hontiveros sa Senado.

“Ever since, mga kapatid nag-aral ako sa JMC and si Pastor nagpa-aral, scholar kami, alam mo ‘yung libre lahat pati pagkain, shelter, uniform, libro, tuition. As in wala kang iisipin kundi pag-aaral mo lang talaga and bata pa lang kami as in hands on talaga si Pastor sa amin parang papa talaga. Once nagkamali ka co-correctionan ka, didisiplinahin ka kasi sino ba namang papa na gusto mapariwara ‘yung buhay mo di ba?” ayon kay Pamela Roy, iskolar ni Pastor Apollo.

“From kindergarten, talaga Pastor is already the one who gave me the chance, the opportunity for an education to do all of those things,” ayon naman kay Maria Gracia Dimagnaong na isa ring iskolar ni Pastor Apollo.

“Makukuha mo ‘yung lahat ng needs mo especially sa education. I’ve been [a] scholar of the Kingdom ever since. I’m so grateful nandito si Pastor para tulungan [kami]. Pastor is really willing to help the children para maging scholar,” ayon naman kay Jonah Morales na isa ring iskolar ni Pastor Apollo.

“Pinaaral ni Pastor, dinamitan ni Pastor. Look how privileged we are here in the Kingdom, ito ‘yung pinapakita namin na totoong nangyayari mga kapatid,” paliwanag naman ni Carlo Catiil, Minister, KOJC.

Sa katunayan ay malaki rin anila ang nabago sa kanilang buhay mula nang makilala nila ang butihing Pastor.

At pinatunayan ‘yan ni Maya Kiamco na ngayon ay nasa ilalim ng Pastoral Care Ministry ng kongregasyon.

Si Pastor Apollo aniya ang tumulong para mabuo ang kaniyang pamilya na nagkawatak-watak.

“My mom have to work triple jobs just to sustain the needs. My mom got the privilege to talk to Pastor. He said, “would you like to have them and live with you”? Pastor said “I will help.” Pastor helped me to be reunited with my mom. When I met the beloved Pastor that was the first time that I felt the love again,” ayon kay Maya Kiamco, Pastoral.

At hindi lamang iyan, dahil pati ang pangarap ng isang bata na makapunta sa sikat na theme parks sa iba’t ibang bahagi ng mundo gaya ng Hong Kong Disneyland ay tinupad rin ni Pastor Apollo.

“I’m blessed to be part of Batang Kaharian to go to Hong Kong. The joy is an evident opportunity to grow up with these kind of environment,” saad ni Maria Gracia.

“So, we were given the privilege to go to the different parts of the world. Personally, ako as a pastoral for 14 years, I had the most privileged life na binigay ng Ama sa akin,” dagdag pa ni Maya.

Lubos ang pasasalamat ng mga iskolar ni Pastor Apollo dahil nagkaroon anila ng direksiyon ang kanilang buhay nang makapasok sa kongregasyon.

Hindi lang kasi libreng pag-aaral, pagkain, at bahay na matutuluyan ang ibinibigay ni Pastor Apollo kundi maging ang tamang pag-aruga, paggabay, at pagmamahal ng isang tunay na pamilya.

“’Yun talaga number 1 na pinaka-thankful ako. Bata pa lang andito na ako sa Kingdom and most especially na lumaki ako sa Kingdom being taught sa values na laging tinuturo ni Pastor and also grabe talaga ‘yung buhay ko as in I mean hindi ko ma-imagine ‘yung buhay ko na wala ako sa Kingdom kasi nakikita ko sa mga kapatid ko na alam mo ‘yun na at the early age ‘yung buhay nila as in ang gulo but ako nagpasalamat ako kasi kasi binigyan ni Pastor ‘yung buhay ko ng purpose, direksyon. Parang siguro kung nasa labas pa ako hindi ko kakayanin,” saad naman ni Pam Roy.

Kaya naman sukdulan ang pagkadismaya nila sa mga pekeng testigo ni Sen. Hontiveros dahil sa kabila ng kabutihang ipinakita sa kanila ni Pastor Apollo ay ganito pa ang igaganti nila sa butihing Pastor.

Sana lang anila ay makonsensiya pa ang mga pekeng testigo sa kanilang mga pinagagawa’t pinagsasabi laban kay Pastor Apollo lalo’t alam mismo ng mga ito na pawang imbento at kasinungalingan ang lahat ng lumalabas sa kanilang mga bibig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble