TINURUKAN na ng mga health worker sa Ivory Coast ang mga kabataan sa kanilang bansa ng latest malaria vaccine simula nitong Lunes, July 15.
Target ng Ivory Coast na maibigay ito sa 250-K na mga kabataan edad 2 years old pababa.
Hakbang na ito ng West African country sa regional campaign upang masugpo na ang itinuturing na “top killer” sa buong Africa.
Sa datos, mahigit 94 percent sa 249 million malaria cases sa buong mundo ay matatagpuan sa Africa.