Kim Chiu, panalo bilang “Outstanding Asian Star” mula sa Pilipinas sa SDA 2024

Kim Chiu, panalo bilang “Outstanding Asian Star” mula sa Pilipinas sa SDA 2024

PANALO sa Seoul International Drama Awards bilang Outstanding Asian Star mula sa Pilipinas si Kim Chiu!

Nakakuha ito ng 65.03 percent na boto para sa kaniyang pagganap bilang Juliana Lualhati sa “Linlang”.

Pumapangalawa sa kaniya ang kaniyang co-star na si Paulo Avelino na may 14.35 percent sa voting habang pangatlo si Nadine Lustre na may 10.86 percent para sa kaniyang “Road Killers”.

Samantala, nominated rin si Kim bilang Best Female Lead sa TV Programme/Series Category sa 2024 ContentAsia Awards.

Dahil pa rin ito sa “Linlang”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter