Mga kanal sa Toril Poblacion sa Davao City, nilinis ng SPM volunteers para maalis ang pagbabara

Mga kanal sa Toril Poblacion sa Davao City, nilinis ng SPM volunteers para maalis ang pagbabara

MULA sa nakaraang linggo nang unang magtungo ang volunteers ng Sonshine Philippines Movement 9SPM0 sa Barangay Toril Poblacion sa Davao City ay nagkaroon na ng pagbabago sa noo’y problema sa mga baradong kanal.

Isa ang pagbaha sa mga madalas na problemang kinakaharap natin lalo na’t nararanasan natin ang epekto ng climate change. Pero bakit nga ba ito nangyayari sa atin at paano natin masosolusyonan ang problemang ito?

Taun-taon, naging isang malaking hamon para sa mga residente ng Toril Poblacion ang pagpapanatili sa kalinisan ng kapaligiran dahil sa lawak ng nasasakupan nito. Ayon pa sa ating nakapanayam nitong nakaraang linggo, hindi kinakaya ng mga tinaguriang Kanal Brigade team ang paglilinis sa mga kanal na nasa gilid ng daan dahil sa hindi rin napipigilan ng iba na basta-basta na lang magtapon ng mga basura nila gaya ng mga water bottle at plastic.

Kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay muling nagtungo ang Sonshine Philippines Movement o SPM volunteers sa pamamagitan ng inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Hindi lang SPM volunteers, kundi maging ang mga estudyante at mga lokal na residente ay nagkaisa sa pagtatanggal ng mga basura at mga damo para tuluyan nang maging malinis ang mga kanal.

Dahil sa paglilinis na ito, inaasahang mababawasan na ang pagbara ng mga kanal na nagdudulot ng pagbaha.

Sa dalawang Sabadong ginanap na cleanliness drive sa nasabing lugar ay nagkaroon na ng maaliwalas na kanal na hindi na magiging problema dahil mas maayos na ang daloy ng tubig.

‘’Maganda itong activity nato kasi during clogging and raining season, mas maganda talaga maglinis ng kanal everyday. Nagpasalamat ako sa pagdating ng SMNI dito sa Toril Poblacion sa paglinis ng kalikasan natin dito at sa kapaligiran lalo na sa kanal, salamat po,’’ ayon kay Glen Gohn M. Desierto.

‘’Kasi wala ng gagawin eh, wala ng gagawin kundi linis na linis everyday – maglinis kasi pagdating ng rainy season, diyan talaga magkaroon ng flooding. Flooding and clogging at lahat ng mga ano, bagay na dito sa ano, plastic, mga kahoy, damo dadaan yan sa atin kaya ganyan. Maganda tong ginagawa ng SMNI dito tuwing sabado clean-up drive,’’ saad nito.

‘’Halos itong area na ito, 100 meters ito nakikita natin, punung-puno ng mga basura, at kung ano-ano pa ang nalagay diyan sa mga kanal, sa tabi ng daan po. Hindi po ito nalilinisan dahil po sa pagkakaalam namin, tinanong po namin yung barangay captain dito, meron lang po silang anim na tagapamahala sa drainage at ito ay mga matatanda na. Kaya hindi nila kaya na magawa ito at ma-maintain. Kaya malaki po ang kanilang pagpasalamat sa ating mahal na Pastor, dahil nandito po and mga volunteer at gumagawa po ito na masaya po ang aming mga puso,’’ ani Antonio Santa Iglesia SPM Volunteer.

Tunay nga na ang ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay hindi lang isang programa o aktibidad, ito ay isang simbolo ng malasakit at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang malinis, maganda at maunlad na bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble