MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes.
Sa abiso ang Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, nasa 95 sentimos ang dagdag-singil sa kada litro ng kanilang gasolina at P50 sentimos sa kada litro ng kanilang diesel.
Habang 15 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang kerosene.
May kapareho ring price adjustment sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz at Jetti Petroleum.
Pawang epektibo ang dagdag-bawas ng alas 6:00 ng umaga maliban sa Caltex na alas 12:01 ng madaling araw at Cleanfuel na alas 4:01 ng hapon.