Panibagong branch ng Cleanfuel sa Pasig City, binuksan na

Panibagong branch ng Cleanfuel sa Pasig City, binuksan na

PORMAL nang binuksan, araw ng Miyerkules ang panibagong branch ng Cleanfuel sa C5 E. Rodriguez Avenue, Barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Sa naturang aktibidad, tiniyak ni Atty. Jesus “Bong” Suntay, President at CEO ng Cleanfuel Group of Companies na de-kalidad ang kanilang mga produktong petrolyo.

Sinisiguro din ng Cleanfuel na abot-kaya lamang ito ng mga motorista upang maibsan ang mabigat na gastusin sa produktong petrolyo.

 “We stick to our core values, we want to provide to our customers with a best type of service that we could provide and siyempre quality fuel for less. As we all know, Cleanfuel is all company owned and company operated kaya talagang we are able to give best price possible sa ating mga motorist,” ayon kay Atty. Jesus “Bong” Suntay, President & CEO of Cleanfuel Group of Companies.

Sa pagbubukas ng nasabing fuel station ay hatid sa mga motorista ang malalaking diskwento.

Tulad na lamang ng P3 na diskwento sa kada litro ng diesel at P5 naman sa gasolina.

Kaya naman hindi nagdalawang isip ang ilang motorista na magpakarga.

“Kaya nagpa-gas ako kasi napakalaki ng discount niya na halos nasa P51 na lang. Dagdag din gastos kapag nagpa-fulltank, pero dito ay may discount na P5 per liter, malaki yun,” wika ni Henry, motorista. 

“Dahil medyo mas mura yung gasolina. Mas mura na bumaba na konti, ay kahit papaano meron na nasa-save kahit papaano,” ayon naman kay Alexander, taxi driver.

Iba pa rito ang nakukuhang points ng mga motorista tuwing nagpapakarga ng langis sa Cleanfuel.

Dahil maaaring mauwi ng mga motorista ang iba’t ibang home appliances kapalit ng kanilang mga nalikom na mga points.

Ipinunto pa ni Suntay na makakaasa ang mga motorista na hindi magbabago ang kalidad ng kanilang mga produktong petrolyo.

Ang Cleanfuel ay mayroon ng mahigit 100 branch sa Metro Manila at karatig lalawigan gaya ng Pampanga, Bulacan at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter