GOOD news sa mga motorista, magkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas.
Ito ay makaraan ang 5 magkakasunod na linggo ng oil price hike.
Una nang nag-abiso ng P3 bawas-presyo sa kada litro ng diesel at 3.40 pesos na bawas sa kada litro ng kerosene ang kumpanyang Pilipinas Shell.
Habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Epektibo ang oil price rollback ng alas-6 ng umaga bukas.
Inaasahang mag-aanunsyo rin ngayong araw ng bawas-presyo ang ilan pang kumpanya ng langis.