PATULOY ang pagdami ng mga nahuhuling lumalabag sa election gun ban ngayong nagsimula na ang campaign period.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkules, Pebrero 9, 2022, umabot na ito sa 921 matapos madagdagan ng 16 na bagong naaresto.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming lumabag sa gun ban na umabot sa 290.
Nakumpiska ng pulisya ang 723 baril, 314 deathly weapons at 4,563 mga bala.
Nagmula ito sa 807 operasyon upang matiyak na maipatutupad ang panuntunan ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong halalan.