IGINIIT ni President-elect Bongbong Marcos na maraming mga magagaling na Pinoy ang ngayo’y lumalapit sa kanya para tumulong.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-10 Cityhood Anniversary ng Bacoor City sa Cavite, saad ng susunod na Pangulo na maraming magagaling sa iba’t ibang larangan ang nagpahayag ng kahandaang tulungan siya sa gobyerno.
Saad ni President-BBM, ngayon lamang daw lumapit sa gobyerno ang mga ito kaya welcome development sa paparating na administrasyon ang nangyari.
‘Marami pong gustong tutulong sa atin, marami po akong nakita at nakausap ngayon na mga Pilipino na napakagaling na ngayon lamang sila ay lumalapit at nagsasabi na nais nilang tumulong,’ saad ni PBBM.
Dahil diyan, ‘nakikita nila na sa darating na ilang taon ay may pag-asa ang Pilipinas na umahon, may pag-asa ang Pilipinas na gumanda ulit.’
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagbuo ni PBBM ng kanyang gabinete.