HINIHIKAYAT pa rin ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka na magtanim sa gitna ng banta ng El Niño sa bansa.
Kasunod ito sa ulat na ilan sa mga magsasaka ang tumigil na sa pagtatanim dahil sa umano’y matinding tagtuyot na makasisira lamang sa kanilang mga pananim.
Dahil dito, binigyang-linaw ni DA Director U-Nichols Manalo ng Field Operations na hindi dapat tumigil ang mga magsasaka sa pagtatanim partikular na ang palay.
Paliwanag niya, inaasahan pa kasi ang mas mataas o normal na pag-uulan ngayong buwan na swak sa pagtatanim.
At maaari aniyang maani ng mga magsasaka ito sa kalagitnaan ng Setyembre.
Gayunpaman, magsasagawa rin ng mapping ang rice program upang matukoy ang mga lugar na lubhang maapektuhan at hindi upang maparami ang produksiyon.
Humihiling na rin ang DA sa Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa pagsasagawa ng cloud seeding sa 3 sites sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Mamamahagi rin ng plant resistant seeds tulad ng mga monggo, at mani.
Kasama rin ang mga fertilizer, at iba pang intervention.