Mga magsasaka ng mais, tumanggap ng kagamitang pansaka mula sa DAR

Mga magsasaka ng mais, tumanggap ng kagamitang pansaka mula sa DAR

NAKATANGGAP ng iba’t ibang kagamitang pansaka ang mga magsasaka ng Malapag ARB Farmers Association ng Carmen, North Cotabato mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) beneficiaries.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng DAR ay ang 1 unit ng 3-in-hammer mill, 4 units ng collapsible dryer.

Bukod dito, pinagkalooban din sila ng capacity development training alinsunod sa direktiba ni Sec. Conrado Estrella III.

Ang nasabing kagamitan ay malaking tulong para sa pagpro-produce ng mga hammered corn, cracked corn, corn bran, milled rice at rice bran.

Sinabi pa ng ahensya, ang ipinagkaloob na mga kagamitan ay ipinamahagi sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program at Sustainable Livelihood Support.

Follow SMNI NEWS in Twitter