Mga mambabatas mula sa EU, hinikayat na igalang ang soberenya ng Pilipinas

Mga mambabatas mula sa EU, hinikayat na igalang ang soberenya ng Pilipinas

NAGING mainit ang talakayan sa pagitan ng ilang mga senador at ilang mga mambabatas mula sa European Union (EU).

Bago mag-umpsia ang isang pagdinig sa Senado ay isiningit ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang paglalahad kung ano ang naganap sa pagpupulong kasama ang mga taga EU na nauna niyang dinaluhan.

“I just attended the meeting with the members of the EU and the discussion was so intense that I cannot leave. I have to defend our sovereignty,” ani Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Sen. Bato, sinubukang igiit ng mga European ang kanilang “standards” kaugnay sa human rights.

Lalo na at kabilang sa natalakay ang ICC investigation sa ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.

 “These Europeans, they are trying to impose their standards upon us and there is one EU from Spain, nagalit siya dahil bakit daw si Sen. (Jinggoy) Estrada ay nag-author ng resolution protecting (former) President (Rodrigo) Duterte from ICC (International Criminal Court) investigation,” dagdag ng senador.

Sa kabila nito ay nilinaw ni Senator Francis Tolentino na dahil sa may interpreter kasi ang mambabatas mula sa Spain kung kayat nilalakasan nito ang kanyang boses pero wala namang tension sa pagpupulong.

Para kay Sen. Tolentino naging maganda naman ang kinalabasan ng kanilang pagpupulong.

“So maganda yung dialogue. nailabas natin yung tungkol sa EJK. Napaunawa natin na walang karapatan ang ICC. Pinaunawa rin natin kung ano ang ginagawa sa Lower House, yung resolution patungkol sa ICC at yung finile dito sa Senado,” saad ni Sen. Francis Tolentino, Chairperson, Committee on Justice and Human Rights.

Sa naganap na pagpuuplog kabilang sa dumalo sina Senators Francis Tolentino, JV Ejercito, Bato dela Rosa, Robin Padilla at dalawang ambassador ng Pilipinas sa Europa.

Mula naman sa iba’t ibang partido ang mga mambabatas na dumalo mula sa EU.

Present din sa pagpupulong si EU Ambassador to the Philippines Luke Veron.

“They respect our views, but as to whether they will accept that perspective. That is a different matter,” dagdag ni Tolentino.

Ang mga mambabatas mula sa EU ay inaasahan na bibisita bukas kay Sen. Leila de Lima na nasa detention center sa Camp Crame.

Follow SMNI NEWS in Twitter