MAGBABAWAS ng hanggang anim na libong trabaho ang Pou Chen Corporation ng Taiwan, isa sa pinakamalaking pagawaan o supplier ng branded sports footwear gaya ng Nike at Adidas.
Ayon sa dalawang hindi pinangalanang local officials, ang pagbabawas ng trabaho ay dahil sa bumababang demand.
Sa ulat, ngayong buwan magtatanggal ng 3 libong trabaho at ang natitirang tatlong libo pa ay hindi na palalawigin ang kanilang labor contract.
Ang Pouyen Vietnam Factory ay isa sa pinakamalaki ring employer sa Ho Chi Minh City kung saan may kabuoan silang 50, 500 workers.